centimeter-gram-second system (sen•ti•mi•tér-gram-sé•kond sís•tem) : sistémang sentimétro-grámo-segundo
Ptolemaic system (tó•li•máy•ik sís•tem) : teorya na ang mundo ang hindi gumagalaw at sentro ng uniberso.
nervous system (nér•vos sís•tem) : network ng espesyalisadong mga cell na nagdadalá ng pandamá sa iba’t ibang bahagi ng katawan
solar system (só•lar sís•tem) : pangkat ng siyam na planeta at ang mga buwan nitó na umiikot sa araw, kasáma ang maliliit na lawas gaya ng asteroid, meteorite, at kometa
public address system (páb•lik ád•res sís•tem) : malalakas na ispiker, mikropono, ampliyador, at iba pa na ginagamit para sa maramihang manonood